Tuesday, October 05, 2004

Mahahalagang Tala sa P.I. 100: Reviewer

I. Events at mga Tao:

a. Rebolusyong Pranses – kauna-unahang malawakang pag-aalsa at paghihimagsik na naganap sa pinakamakapangyarihan at pinakamataong bansa sa panig na ito ng Europa; ang Pransya. Ito ay ang pag-aalsa ng ikatlong uri laban sa mga nakakataas na kaste sa lipunan. Nilahukan ito ng mga maliliit na manggagawa, artisano, estudyante, guro, karaniwang propesyunal at mga maliliit na negosyante. Ang rebolusyong ito ang nagsilbing inspirasyon sa iba’t-ibang pagkilos at pag-aalsa sa islogan nitong: “pagkakapantay-pantay, pagkakapatiran at pagpapalaya,” nagsilbing daluyan ng mga salita at terminong “liberalismo, radikal-demokratiko, at nasyonalismo.”

· Yugto ng Monarkiyang Konstitusyon: may lehislaturang nsa kontrol ng nakatataas na panggitnang uri o burgesya at mga kapanalig nilang mga abugado at propesyonal, kung saan ang hari ay hindi namamahala batay sa kung ano ang itinakda ng langit o mga diyos kundi sa pamamagitan ng batas, kung saan ang mga mamamayan ay pantay-pantay sa batas, at kung saan ang karapatang bumoto ay sa mga citizens na may pag-aari, propesyon at edukasyon. Dito winawaksian ang absolutong monarkiya at pagtatayo ng liberal na pamamahala ng nakatataas na panggitnang-uri o ng burgesya.

è Girondins –tawag sa mga pampulitikang nagtataguyod at kinatawan ng pamahalaang monarkiyang konstitusyonal, liberal o demokrasyang liberal.

· Demokrasyang Liberal: ikalawang yugto noong 1792-1793, kung saan ang mga radikal na elemento ng nakababang panggitnang uri, manggagawa, at anakpawis, estudyante at propesyonal sa lungsod ay nang-agaw ng kapangyarihan sa gobyerno, at itinatag ang kanilang kinokontrol na parlamento, ang kumbensyon: inaresto ang hari at reyna at nagtagal ipinabitay ang mga ito kasama rin ang marami sa kanilang mga kalaban at iginiit ang mas malawakan at malalimang panlipunang rebolusyon.
è Gumawa ng isang konstitusyong nagtitiyak na ang nakararaming mamamayan ay may karapatang bumoto, ang mga magsasaka ay may karapatang mag-ari ng mga lupang kontrolado ng mga panginoong may lupa noon at ang pamamahala ay tungo sa social welfare.
è Jacobins --- nagbunsod ng radikal-demokratikong pagbabago sa lipunang Pranses o ng republikano kontra monarkiya.

b. Rebolusyong Industriyal – tumutukoy sa mabilis at paimbulong na pag-akyat at pagtaas ng kabuuang produksyon ng mga bagay at serbisyo sa Europa, lalo na sa sentro ng rebolusyong kababanggit, ang Britanya o Inglatera. Sinasabing sa pagbwelo nito ng mga taong 1789, at sa sumusunod na animnapung taon, nalagpasan na nito ang anumang produksyong nagawa ng sangkatauhan sa mga naunang yugto ng kasaysayan nito. Ngunit hindi lamang ito “production” per se, isa itong tiyak na sistema ng produksyon kung saan ang mga kagamitan sa produksyon ay pag-aari o epektibong kontrol ng isang uri: ang uring kapitalista o burgesya.
è Burgesya at proletaryo

Paano umuusad ang kasaysayan:

· Rizal: Sumusulong ang kasaysayan dahil may hangaring etikal at moral na may impluwensya mula sa Diyos.
· Hegel: (Society and the Individual) Beyond history is an absolute idea that moves it; when the idea unfolds, material society moves. ( in this sense, parang ikinokonek ni Hegel ang pag-usad ng lipunan sa Diyos; supernatural)
· Marx – umuusad ang kasaysayan/lipunan dahil sa pagbabago ng mode of production.

c. Karl Marx and Engels – ang kapitalistang lipunang nalikha ng rebolusyong industriyal sa Europa, laluna sa Britanya ay walang iba kundi ang pangingibabaw at paghahari ng mga burges sa iba’t-ibang aspeto ng lipunan, nakabatay man ito sa pangkalahatang ekonomiko at pag aari ng mga kagamitan sa Produksyon.
è The Communist Manifesto – sinabi nilang ang lahat ng lipunan ay may makikitang tunggalian ng mga uri: amo at alipin, nakatataas at mababang antas, panginoong may lupa at kasama, burgesya at proletaryo. Napaunlad nga ng burgesya ang lipunan sa maraming bagay tulad ng produksyon at serbisyo, kultura, edukasyon, karapatang pulitikal at sibil, nag-umpisa’t nagpatuloy naman ito sa pagsaasmantala at eksploytasyon ng kinonsentrang kalipunan ng manggagawa sa pabrika at iba pang empresang pribado at kapitalista.
è Das Kapital – ilalahad sa librong ito ni Marx ang pinakakomprehensibong pagsusuri sa sistemang kapitalista at kung bakit ito’y isa lamang yugto sa mga sistema ng produksyon ng sangkatauhan at mapapalitan din sa paglipas ng panahon ngunit nangangailangan ng malawakan at malalim na pagkilos ng mga proletaryo.

















d. The Wealth of Nations (1776) at The Principles of Political Economy (1817) ni Adam Smith – sa malaking bahagi ay binigyang katwiran at pagtalakay ni Smith ang noo’y patuloy na umuunlad na ekonomiyang kapitalista: kumbaga, ang pribadong pag-aari at inisyatiba ng uring kapitalista o sinumang indibidwal sa lipunan, ang bawat kilos ng mga ito tungo sa kanilang sariling interes at kapakinabangan o ang iba’t-ibang indibidwal na kilos ay matutungo sa kabuuang pag-unlad sa produksyon ng lipunan at ng lipunan mismo.

e. Liberalismo – maaring nauna pang bahagya sa dalawang rebolusyong ito ang pagsibol ng ideolohiyang ito. May kahulugan itong “malayang tao,” “bukas ang isip at wala ring pakundangan sa sabi o gawa.”

è Hobsbawn –nagtakda ng kauna-unahang demokratikong konstitusyon sa mundo.

f. Anarkismo / Anarkista – mula sa salitang griyego na tumutukoy sa “kalagayang walang pinuno”
o “Walang kaayusan.” Ang mga radical democrats noon ng Pranses ay tinawag na mga anarkista.
· Tatlong pananaw ukol sa Anarkismo:
è May elementong demokratiko sapagkat tulad ng sa rebolusyong pranses ang mga Jacobins ang siyang nakipaglaban upang maisulong ang mas malawak na pagbibigay ng mga karapatan sa mga mamamayan.
è Marahas –may elemento ng gulo
è Ayaw sumunod sa sentralisadong pamumuno ng lipunan.

g. Tatlong Alon ng Rebolusyon (Continental Revolution): Sa unang hati ng 19-dantaon, may tatlong alon ng rebolusyon ang naganap:
i. Mga rebolusyon mula 1820-1824 sa Espanya, Napoli at Gresya.
ii. 1829-1834: sumiklab ang paghihimagsik sa bahagi ng Europa na nasa kanlurang Rusya, pati na sa Hilagang Amerika.
iii. 1848 – dito sumiklab ang pinakamasaklaw at pinakamabilis na paglaganap ng paghihimagsik mula Pransya tungong Alemanya at Hungarya.

h. Tradisyong Reyalistiko – Isang pagtingin kung saan ang likha ay may pagkakahawig sa katotohanan, sa nagaganap o sa estado ng lipunan. Isang paraan ng sining kung saan sumasabay ang mga imahe sa realidad; katotohanan. (e.g. Noli me Tangere)


i. Pope Pius IX – may pinakamahabang pontipikado sa kasaysayan ng pagka papa. Isa sa mga manunuligsa sa aral ng liberalismo at mga anyo nito. Sumulat ng Quanta Cura at Syllabus Errorum na nagsasaad ng kamalian ng mga aral ng ideolohiyang liberalismo.

j. KulturKampf – isang paglalarawan ng pagpupumilit ng simbahan upang muling maitaguyod nito ang kanyang politikal na kapangyarihan.

k. Papa Leo XIII – may akda ng Rerum Novarum; isa ring manunuligsa ng liberalismo ngunit wala itong pagkokondena dahil (marahil) narin sa pagkaka-ugnay ng simbahan sa sistemang kapitalismo.

l. Rerum Novarum – isang encynical na naglalaman ng 85 talata na nanunuligsa (ngunit hindi nag kokondena ) sa kapitalismo, kondisyon ng pamumuhay ng sangkatauhan gayundin sa isyu ng pagtatrabaho. Isunulat ni Papa Leo XIII noong Mayo 15, 1891.

m. Paris Commune 1871 – ginawa sa rebolusyong pranses kung saan tinawag na “war council” na naglalayong pabagsakin ang kasalukuyan nilang sistema ng pamahalaan noon sa Pransya.


II. Mga Kalakaran sa Kasaysayan ng Pilipinas:

a. Estado – Sentralisadong pamahalaan ng mga kastila kung saan may struktura itong:
Gobernador Heneral – Alkalde Mayor – Gobernadorcillo – Cabeza de Baranggay

b. Simbahan – hindi lang basta relihiyosong organisasyon. Ito ay may malaking impact sa lipunan sapagkat ito rin ang nagsusuri ng mga libro, nakakapagsalita ang nakakaintindi sa wikang tagalog at higit sa lahat ito ang nakikipag-ugnay sa mga pilipino at nagsasabi kung ano ang mga dapat nitong gawin at hindi.

c. Lipunan Agraryo – isang pag-aalsa ng mga pisanteng nakikisaka laban sa kanilang kalagayan dahil sa paninikil at pananamantala ng mga kastila, principalia, at relihiyosong korporasyon sa pang-aagaw sa mga ancestral lands nila.

d. Encomienda - isang bahagi ng lupa na ibinibigay sa konkistador upang magsilbing gantimpala nito mula sa estado at simbahan.

e. Mga buwis: Tributo, Polo y servicio, Comprares Tierras.


III. All about Rizal –biography, important people, places and events


A. Pagkabata:

· Isinilang noong Hunyo 19, 1861
· Siya ay ika pito sa labing isang magkakapatid: Saturnina, Paciano, Narcisa, Olipia, Lucia at Maria, Jose, Conception, Josefa, Trinidad at Soledad
· Anak ni Francisco Mercado at Teodora Alonzo
· Ang nunong lalaki ng kanyang ama ay ang anak ng isang intsik na si Domingo Lamco, samantalang ang nunong babae ng kanyang ina ay anak ng isang hapones na si Eugenio Ochoa.
· Nang iatas ng maykapangyarihan na ang maging apelyido niya ay Mercado, apelyidong minana niya mula sa kanyang kanunununuang Intsik, ipinasiya ni Francisco na ang gamitin niyang apelyido ay “Rizal” na hinango sa salitang kastilang ‘Ricial’ na ang kahuluga’y “luntiang bagong tubo” kesa naman sa Mercado na hindi aangkop sapagkat ang kahulugan nito ay pamilihan o palengke.
· Si Teodora Alonzo ay nagtapos ng kolehiyo sa Colegio de Santa Rosa. Naipanuto niya si Jose sa sining at akdang klasika.
· Tiyo Manuel - nagturo sa batang Jose ng paglanggoy upang tumibay ang katawan nito.
· Maestro Justiniano Aquino Cruz – naging guro niya sa Binyang noong siya ay siyam na taong gulang; lubos na naniniwala sa matandang paniniwala kung saan upang matuto ang mga bata ay dapat samahan ito ng pamamalo.
· Nakuha niya sa kanyang ama ang katangian ng pagiging tahimik at pagsasalita lamang kung mayroong kabuluhan ang sasabihin.
· Teodora Alonzo –tumutulong kay Francisco sa pamamahala ng malawak na lupain bukod pa sa pagpapatakbo ng maliit na harinaan, botika at tindahan.
· Disyembre 17, 1870 matapos ang isang taon at kalahati umalis si Rizal sa Binyang lulan ng bapor Talim.
· Description ng Bahay nila sa Calamba: Malapit sa church plaza. Gawa ito sa bato, nakikita ang Bundok Makiling sa bintana sa likod ng bahay nila. Kita naman ang Laguna de bay sa isang dulo ng bahay.
· It will be recalled that the couple applied for a marriage license which was denied by the church authorities. It was much later when the engaged couple were married with Fr. Victor Balaguer, S.J. as the officiating priest. This was at 5:30 a.m. on December 30, 1896, about two hours before he was shot at Bagumbayan (now Rizal Park).
· Si Padre Antonio Obach ay isang misyonerong heswita at kura ng Dapitan nang dumating doon si Dr. Rizal; ilan sa mga gawaing nauukol sa pagpapalaganap ng relihiyon sa Mindanaw ay makikita sa “Cartas de las Misiones de la Compañia de Jesus en Mindanaw y Jolo.” Ang paring ito ang siyang nagsabi kay Dr. Rizal ng mga pasubaling kinakailangan upang siya’y makatira sa bahay ng mga heswita sa Dapitan, mga pasubaling hindi sinang-ayunan ni Dr. Rizal. Dahil sa pakikipag-ibigan ni Dr. Rizal kay Josephine Bracken, siya’y nakasamaan ng loob, nang dakong huli, ni Padre Obach.
· Si Padre Francisco de Paula Sanchez, ay isa ring heswita na naging gurong iginagalang at minamahal ni Dr. Rizal, samantalang ito’y nag-aaral sa Ateneo. Sa mga naging gurong heswita ni Dr. Rizal, si Padre Sanchez ay siyang lalong nagmahal sa kanya nang buong kapalagayang-loob at siyang lalong nagtangi sa kanya, maging pagkatapos na siya’y patayin. Ang lagi nang itinatawag sa kanya ay Pepe o Pepito. Ipinalalagay ni Dr. Rizal, gaya ng mapapansin sa isa sa mga sulat niya, na hindi minamasama ni Padre Sanchez ang Noli, bagkus, minamabuti pa nga, kahi’t na hindi sinasabi ng hayagan ang gayon. Si Padre Sanchez ay ipinadala ng superior ng mga heswita (Padre Pastells) sa Dapitan, karaka-rakang dumating doon si Dr. Rizal, sa ilalim ng pagdadahilang siya’y mag-aaral ng wikang Bisaya; ito’y natuwa nang gayon na lamang sa pagdating ng kanyang dating guro, sapagka’t ang wika nga sa isa sa mga sulat niya kay Blumentritt, sa kanyang pag-iisa at pagkatiwalag sa Dapitan ay si Padre Sanchez lamang ang tanging nakatulong niya sa kanyang mga gawaing makaagham. Sa tulong at pagpapatibay o pagsang-ayon ni gobernador Carnicero, si Padre Sanchez ay tumulong kay Dr. Rizal sa pag-aayos ng liwasan ng Dapitan. Sa paring ito inialay ni Dr. Rizal ang kanyang sinulat na “Mga pag-aaral tungkol sa wikang Tagalog” na sinulat sa Dapitan ng 1895. (LLR). Pagkatapos (1911) ay inialay ni Padre Sanchez sa alaala ni Dr. Rizal ang isang akdang kinatatalaan ng kanyang mga gawaing makaagham na pinamagatang “Si Rizal at ang mga paring heswita sa Dapitan” (JPB).
· Si Padre Pastells, superior ng mga heswita, ay siyang nagpasimula ng pakikipagtalo, sa pamamagitan ng sulat, tungkol sa relihiyon kay Dr. Rizal, samantalang ito’y natatapon sa Dapitan; siya ang pagnugot ng “Congregacion Mariana” ng Ateneo Municipal sa Maynila nang taong 1875, noong kapanahunang si Dr. Rizal ay siyang prefecto ng nasabing “Congregacion.” Si Padre Pastells ay isang paham at linang na heswita, na ipinalalagay na siyang sumulat ng sunud-sunod na lathalaing walang lagda, na lumabas sa pamamagitan ng titulong “Si Rizal at ang kanyang Akda” at siya rin namang nagpalimbag sa Barcelona, sa pamamagitan ng tatlong bolumen, na sinalitan ng maraming larawan ng bantog na akda ng heswitang si Padre Colin, na pinamagatang “Labor Evangelica” at iba pa (LLR). Nang mga huling taon ni Padre Pastells ay walang hinarap kundi ang pagsusuri sa kasaysayan ng Pilipinas, sang-ayon sa sadyang pinagmulan, sa artsibo heneral ng Indiya sa Sevilla. Ayon sa mga kawani ng nasabing artsibo, si P. Pastells ay laging nauuna sa kanila sa pagpasok sa araw-araw, at naghihintay sa kanila sa pintuan bago buksan ito (JPB)
· Rizal was not just another bookworm. At the Ateneo he was a member of several exclusive societies including the Academies of Spanish Literature and of Natural Sciences.
· The famous Spanish painter Agustin Saez and a noted Filipino sculptor Romualdo de Jesus were his teachers. Fr. Lleonart, impressed by Rizal's sculptural talent, requested him to carve an image of the Sacred Heart of Jesus.
· NARCISA RIZAL (1852-1939) The third child. married Antonio Lopez at Morong, Rizal; a teacher and musician.
· The first professor Jose had was Fr. Jose Bech, whom he describes as a man of high stature; lean body, bent forward; quick gait; ascetic physiognomy, severe and inspired; small, sunken eyes; sharp Grecian nose; thin lips forming an arch with its sides directed toward the chin." He was somewhat of a lunatic and of an uneven humor; sometimes he was hard and little tolerant and at other times he was gay and playful as a child. Among Jose’s classmates were Peninsulares and sons of Peninsulares; Francisco G. Oliva, very talented but not very studious; Joaquin Garrido, endowed with a poor memory but with much talent and industry; and Gonzalo Marzano, who occupied the throne of Emperor.

Ang mga babae ni Rizal:
Segunda Katigbak (listang sosyal) and Leonor Valenzuela
Segunda Katigbak was her puppy love. Unfortunately, his first love was engaged to be married to a town mate- Manuel Luz. After his admiration for a short girl in the person of Segunda, then came Leonor Valenzuela, a tall girl from Pagsanjan. Rizal send her love notes written in invisible ink, that could only be deciphered over the warmth of the lamp or candle. He visited her on the eve of his departure to Spain and bade her a last goodbye.
Leonor Rivera (wagas at matapat)Leonor Rivera, his sweetheart for 11 years played the greatest influence in keeping him from falling in love with other women during his travel. Unfortunately, Leonor’s mother disapproved of her daughter’s relationship with Rizal, who was then a known filibustero. She hid from Leonor all letters sent to her sweetheart. Leonor believing that Rizal had already forgotten her, sadly consented her to marry the Englishman Henry Kipping, her mother’s choice.
Consuelo OrtigaConsuelo Ortiga y Rey, the prettier of Don Pablo Ortiga’s daughters, fell in love with him. He dedicated to her A la Senorita C.O. y R., which became one of his best poems. The Ortiga's residence in Madrid was frequented by Rizal and his compatriots. He probably fell in love with her and Consuelo apparently asked him for romantic verses. He suddenly backed out before the relationship turned into a serious romance, because he wanted to remain loyal to Leonor Rivera and he did not want to destroy hid friendship with Eduardo de Lete who was madly in love with Consuelo.
O Sei San (malungkot na taganayon)O Sei San, a Japanese samurai’s daughter taught Rizal the Japanese art of painting known as su-mie. She also helped Rizal improve his knowledge of Japanese language. If Rizal was a man without a patriotic mission, he would have married this lovely and intelligent woman and lived a stable and happy life with her in Japan because Spanish legation there offered him a lucrative job.
Gertrude Beckett (petiburges)While Rizal was in London annotating the Sucesos de las Islas Filipinas, he boarded in the house of the Beckett family, within walking distance of the British Museum. Gertrude, a blue-eyed and buxom girl was the oldest of the three Beckett daughters. She fell in love with Rizal. Tottie helped him in his painting and sculpture. But Rizal suddenly left London for Paris to avoid Gertrude, who was seriously in love with him. Before leaving London, he was able to finish the group carving of the Beckett sisters. He gave the group carving to Gertrude as a sign of their brief relationship.
Nellie Boustead (mataas ang isip, mariwasa at makatwiran) Rizal having lost Leonor Rivera, entertained the thought of courting other ladies. While a guest of the Boustead family at their residence in the resort city of Biarritz, he had befriended the two pretty daughters of his host, Eduardo Boustead. Rizal used to fence with the sisters at the studio of Juan Luna. Antonio Luna, Juan’s brother and also a frequent visitor of the Bousteads, courted Nellie but she was deeply infatuated with Rizal. In a party held by Filipinos in Madrid, a drunken Antonio Luna uttered unsavory remarks against Nellie Boustead. This prompted Rizal to challenge Luna into a duel. Fortunately, Luna apologized to Rizal, thus averting tragedy for the compatriots.
Their love affair unfortunately did not end in marriage. It failed because Rizal refused to be converted to the Protestant faith, as Nellie demanded and Nellie’s mother did not like a physician without enough paying clientele to be a son-in-law. The lovers, however, parted as good friends when Rizal left Europe.
Suzanne JacobyIn 1890, Rizal moved to Brussels because of the high cost of living in Paris. In Brussels, he lived in the boarding house of the two Jacoby sisters. In time, they fell deeply in love with each other. Suzanne cried when Rizal left Brussels and wrote him when he was in Madrid.
Josephine Bracken (ang dahong padpad ng hangin)In the last days of February 1895, while still in Dapitan, Rizal met an 18-year old petite Irish girl, with bold blue eyes, brown hair and a happy disposition. She was Josephine Bracken, the adopted daughter of George Taufer from Hong Kong, who came to Dapitan to seek Rizal for eye treatment. Rizal was physically attracted to her. His loneliness and boredom must have taken the measure of him and what could be a better diversion that to fall in love again. But the Rizal sisters suspected Josephine as an agent of the friars and they considered her as a threat to Rizal’s security.
Rizal asked Josephine to marry him, but she was not yet ready to make a decision due to her responsibility to the blind Taufer. Since Taufer’s blindness was untreatable, he left for Hon Kong on March 1895. Josephine stayed with Rizal’s family in Manila. Upon her return to Dapitan, Rizal tried to arrange with Father Antonio Obach for their marriage. However, the priest wanted a retraction as a precondition before marrying them. Rizal upon the advice of his family and friends and with Josephine’s consent took her as his wife even without the Church blessings. Josephine later give birth prematurely to a stillborn baby, a result of some incidence, which might have shocked or frightened her.


4 Comments:

Blogger mattmartinez4434 said...

I read over your blog, and i found it inquisitive, you may find My Blog interesting. My blog is just about my day to day life, as a park ranger. So please Click Here To Read My Blog

January 2, 2006 at 4:20 PM  
Blogger kevingibson6285 said...

I read over your blog, and i found it inquisitive, you may find My Blog interesting. So please Click Here To Read My Blog

http://pennystockinvestment.blogspot.com

January 25, 2006 at 2:41 AM  
Blogger eaie6xgs80vpvi said...

Get any Desired College Degree, In less then 2 weeks.

Call this number now 24 hours a day 7 days a week (413) 208-3069

Get these Degrees NOW!!!

"BA", "BSc", "MA", "MSc", "MBA", "PHD",

Get everything within 2 weeks.
100% verifiable, this is a real deal

Act now you owe it to your future.

(413) 208-3069 call now 24 hours a day, 7 days a week.

May 8, 2006 at 8:59 AM  
Blogger cathy said...

ang ganda ng blog na 2 ahhh....

February 5, 2009 at 3:28 AM  

Post a Comment

<< Home